The Sewol Ferry Tragedy - (South Korea's Worst Peacetime Disaster)

Claro the Third Video 7 days ago

Description

Tinatawag nila itong The Worst Peacetime Maritime Disaster of South Korea. Ito ang The Sinking of MV Sewol. So ano bang nangyari?

Umaga nuong April 16,2014, lumubog ang barkong MV Sewol habang papunta saJeju City sa SOuth korea. Sa 476 na pasahero nito,304 ang namatay, kabilang ang 250 students galling Danwon High School, na nasa isang field trip lang sana.

Napaka-lunkot. Marami sa mga biktima na tinatanggap na yung kapalaran nila, nagtetext sa mga family members nila, nag-a-i love you na. Marmai rin yung nakapag-film ng kani kanlang mga last moments nila gamit ang kani kanilang cellphone, na kinalaunan eh sabay sabay pinanuod ng mga SOuth Koreans sa mga balita. Itong mga texts at footage po na ito, talagang nakakadurog ng puso.

Ang nangyari kasi, nag-sharp turn ang barko, dahilan para tumabingi ito, at pagtabingi po nito, naipit sa isang napakahirap na sitwasyon ang lahat ng gma pasahero, kugn saan marami sa kanila , eh hindi na po nakagalay,hanggang sa tuluyang tumabingi at lumubog ang barko.

Nahirapan din mag recover ng napakatagal ang gma rescuers dahil sa sitwasyon , at dilim. Tumagal ng linggo, marmai sa mga kamag anak ng mga biktima, eh hinihintay na ang bangkay ng kanilang mga mahal sa buhay, hindi na umaasa pang buhay sila.

Alam niyo kung anong nakakagalaiti sa kwnetong ito? Eh yung hanggang ngayon po, undetermined pa rin kung ano ang tunay at precise na dahilan kung bakit ito lumubog, marmaing teorya ang mga eksperto, overloading, tumama sa kung saan, and some are even saying na bununggo ito sa isang submarine. Of course, gaya nga ng sabi ko sa inyo undetermined pa rin ito

Marmaing mga insidente sa mundo ang nagiging dahilan para mabago ang isang nasyon. Nandyan yung 9-11 ng Amerika. Tayo merong Maguindanao Massacre, o Supertyphoon Yolanda. Maraming nagsasabi na ganito ang nagging epekto ng Sewol Ferry Tragedy sa bansang SOuth Korea. Isang trahedya na nagpalunkot ng sobra sa isang nasyon, naging dahilan ito ng isang makabuluhang pagbabago.

Sa mga sumunod na taon, naging mitsa ang Sewol Ferry Disaster ng mga kilos-protesta, reporma, at isang pagbabagong pulitikal na humubog sa kasaysayan ng South Korea. Isang trahedya na hindi lamang nagpabago sa mga batas at institusyon, kundi maging sa pananaw ng isang buong bansa tungkol sa responsibilidad ng pamahalaan at ang halaga ng bawat buhay.

Nakakalungkot lang isipin, na marami sa mga survivors, at kamag anak ng mga nasawi eh, hanggang ngayon, wala pa ring hustisya sa pangyayari. Nakulong ang kapitan, ang chief engineed at ibang miyembro ng cabin crew pero hindi tanggap ng mga kamag anak na kulong lang ang haharapin nila, gawang Kahit kalian, ay hindi nito maibabalik ang buhay ng kanilang mga mahal.

Which leads me to the question, Naging saksi ka na ba sa isang traumatic experience sa siang trahedya? Maaring sa iyong sariling kwento o sa isang mahal sa buhay? Anong nangyari? At paano ka nakabangong dito?


Sali ka na sa #TeamThirdie. Subscribe na! http://bit.ly/ClaroTheThird

TIKTOK - https://www.tiktok.com/@clarotheiii
INSTAGRAM - https://www.instagram.com/clarothethird/
FACEBOOK - www.facebook.com/TeamThirdie