Description
October 29, taong 2022, papalapit na ang hatinggabi sa oras na 10:30 PM, nang biglang magkaroon ng crowd surge sa kalagitnaan ng mga kasiyahan sa Itaewon ,South Korea. Sa dami ng tao ay nagumpisang magsisiksikan ang mga ito. YUng siksikan, nagging panic, dahilan para magkagulo ang laaht ng 100,000 na katao sa mga nagliliitang daanan sa paligid ng Itaewon.
Maraming mga nadapa, marami sa kanila naapak apakan na, at ang gma kaganapang ito ay nagdulot ng chain reaction na palala pa ng palala. Sa sobrang bigat ng pressure sa dami gn tao at sa tindi ng siksikan, marami sa kanila ang nahirapan nang huminga. Ang nakakatakot sa kwentong ito, eh hindi lang naman yung mga nabagsak ang mga nahirapan sa paghinga at namatay, gayundin yung mga simpleng nakatayo lamang, ito yung tinatawag nilang compression, asphyxia.
159 na katao ang namatay nung gabing yon, habang 196 naman ang nagtamo ng ibat ibang klase ng gma injuries mula samga bagay tulad ng simplkeng sugat, hanggang sa gma mas malalalim pang mga pasa, o tuluyan nang paghihirap ng paghinga. Sigurado naman ako, na miski kayo, eh naninikip na rin ang dibdib habang pinapakinggan pa lang kung ano ang mangyayari sa kwento.
Dahil sa tindi ng disaster na ito, tinawag nila itong deadliest disaster in South Korea, since the Sinking of the MV Sewol in 2014. Imagine-in mo, ito nasa kalye lang, tapos mas nagging delikado pa ito kesa sa pagbagsak ng isang malaking barko? Nakaka curious diba? May kasagutan kung bakit. Maidagdag ko lang rin, na ito ang deadliest crowd rush in SOuth Korean history, nalampasan nito ang bilang ng gma namatay sa insidente ng Busan Municipal Stadium noong 1959 kung saan merong 67 na namatay.
Bakit ngayon napakaraming tao nung gabing yon? Panigurado ako, maiintindihan ninyo ito. Umpisahan na nating silipin ang kabuuan ng kwento...
Sali ka na sa #TeamThirdie. Subscribe na! http://bit.ly/ClaroTheThird
TIKTOK - https://www.tiktok.com/@clarotheiii
INSTAGRAM - https://www.instagram.com/clarothethird/
FACEBOOK - www.facebook.com/TeamThirdie
