Welcome to YTUnity

One free SpiderTaz Network account works across every network site.

Featured creators

Creators on the SpiderTaz Network

Become a creator →

The Indonesian Teletubbies Thieves- a True Crime(?) Story

Claro the Third Stream 1 months ago

Description

Sino ang bias mo sa Teletubbies? - The Indonesian Teletubbies Thieves- a True Crime Story

Mga magnanakaw sa Indonesia, kinuyog ng mga residente , binalutan ng packaging tape at saka ginawang ... Teletubbies? May plot twist ang kwentong ito, mahulaan mo kaya ito?

Viral ngayon ang kwentong ito sa buong mundo kung saan sinasabing may apat na magnanakaw raw ang paulit ulit na nagnanakaw sa Indonesia. Dahilan para ipasakamay ng mga residente ang batas o yun bang tinatawag na vigilante justice na para bang si batman.

Sabi kasi sa mga kwento, ilang buwan na raw paulit ulit na nagnanakaw itong mga ito, isang araw napagod na yung isa sa mga residente at sinabing, ay hindi na pwede to, so tinawag nia yung iba niyang kapitbahay, nagsetup sila ng ambush, kasi pati motor daw ninanakaw na ng mga to eh.

Nahuli nila ang mga kawatan, binalot ng napaka-kakapal na packaging tape,at hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nila, pero ang-design sila ng mga antenna para sa mga ito na para bang mga teletubbis sila, sina tinky winky, dipsy laa laa at po.

Habang hinihintay ang mga pulis, inumpisahan nila ang public shaming, kinuhaan ng mga larawan at videos ang mga ito habang hinihintay ang mga pulis. Na ilang oras lang ang nakalipas, ay nagging instant viral hit sa buong mundo. Pero ito yung plot twist.

HIndi pala totoo na magnanakaw itong mga ito. Kahit na bilaita na sa kung saan saang article ang kwento, merong isang local news sa INdonesia ang nagsabi na content creators lang pala ang mga ito, at kaya lang sila ballot na ballot ng mga tape ay dahil dare sa kanila ito sa isang livestream para makatanggap ng mga virtual gifts na tinatawag.

Actually, isang search lang at makikitang totoo ngang content creators sila, they even made a skit about this. Na napakadaling i-access sa kanilang channel.

Isang patunay ang kwentong ito na napaka-bilis kumalat ng fake news at marami sa atin ang hindi nagfafact check o nagveverify man lang kapag nag-she share ng mga kwento, at nakakalunkot sa totoo lang, given na ang dali na lang Lalo magpauso ng kwento ngayon dahil na rin sa AI.

SO with that being said ito ang napaka-halagang katuanungan kong may kinalaman sa ating kwento ngayong gabi. Sino ang Bias mo sa Teletubbies? SI tinky winky, dipsy, laa-laa, o po?

I-comment mo sa ilalim.Sino ang bias mo sa Teletubbies? - The Indonesian Teletubbies Thieves- a True Crime Story