Descrição
This is a song written for Jhomer's wife.
(with reference to Eat Bulaga's #Aldub of 2015)
Words and music by: JL Eridani and JT Tibayan
Directed by: JT TIbayan
At lumipas ang maraming taon,
nauso ang tamang panahon.
Ang dami mo paring tanong,
tungkol sa bukas, noon at ngayon.
Kase yung sa'tin ay di ko sinadya,
naglaro lang ang tadhana.
O hawakan mo ang aking mukha,
'di ka ba nagsasawa?
Harapin ang dilim 'pag walang bituin.
Yakapin ang liwanag 'pag gising.
Ang boses mo ay parang kanyon,
habang ako nama'y panay ang bulong.
Pwede bang wag ka nang magtanong?
Mahalaga tayo'y pasulong.
Nagsanib tayo sa ngiti at luha,
tayong dalawa's sabay na tatanda.
Oh hawakan mo ang aking mukha,
wag ka sanag magsawa.
Harapin ang dilim 'pag walang bituin.
Yakapin ang liwanag 'pag gising.
LATE
Facebook: https://www.facebook.com/LATErocks
Spotify: https://open.spotify.com/artist/4WpEUN87AUXdyYZzkrvzMZ