Description
Matapos ang buwis-buhay na 32-oras na search and rescue operations sa gitna ng mga matitinding landslide na narasanan sa Baguio City at Cordillera Administrative Region, ang mga mismong awtoridad, sundalo, pulis, at volunteer rescuers naman ang tumanggap ng pag-aaruga at pagkilala. Sa pamamagitan ng Felix Y. Manalo Foundation at Iglesia Ni Cristo, naabutan ng mga care package, mga first aid stretchers, libreng medikal at dental na konsultasyon ang humigit-kumulang na 700 frontliners at ang kanilang mga pamilya sa Camp Dangwa, La Trinidad, Benguet.
#WorldwideLingapSaMamamayan #SpecialCoverage #CareForHumanity #FYMFoundation
